MANILA, Philippines – Asahan ang malalakas na pag-ulan dala ng Habagat sa Ilocos Region, Abra, Benguet, Bataan, Zambales, Tarlac, at Pampanga ngayong Lunes, Agosto 31.
Ayon sa PAGASA, ang mga lugar na ito ay makararanas ng monsoon rains, habang ang nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region, Batanes, Babuyan Islands, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, at Bulacan ay magkakaroon naman ng pabugso-bugsong malalakas na pag-ulan.
Ang Metro Manila, CALABARZON, rest of Cagayan Valley, Aurora, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Aklan, at Antique ay magkakaroon naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil pa rin sa Habagat.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms ang aasahan sa nalalabing bahagi ng Luzon, Negros Island Region, at nalalabing bahagi ng Western Visayas dahil sa kaparehong weather system, habang localized thunderstorm naman ang magdadala ng kaparehong lagay ng panahon sa Mindanao at nalalabing bahagi ng Visayas. RNT/JGC