MANILA, Philippines — Malalawak na bahagi ng bansa ang muling makararanas ng mga pag-ulan ngayong Miyerkules dahil sa pinagsamang epekto ng ilang weather system, ayon sa PAGASA.
Apektado ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ), shear line at easterlies ang Davao Region, Soccsksargen, Eastern Visayas, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Caraga, Aurora, Quezon at Camarines Norte.
Binigyang-babala ng PAGASA na makararanas na ang “moderate to heavy rains in those areas could result in flash floods or landslides.”
May mga pag-ulan din sa Batanes at Ilocos Norte dahil sa northeast monsoon o amihan, habang inaasahan namang may mga pulo-pulong buhos ng ulan sa iba pang bahagi ng bansa.
Magiging katamtaman hanggang malakas ang hangin at may katamtaman hanggang maalon na karagatan sa Northern Luzon. Sa nalalabing bahagi ng bansa, inaasahan ang mahinang hanggang katamtamang hangin. RNT