Home OPINION PINAS, SAAN KA BA PATUTUNGO?

PINAS, SAAN KA BA PATUTUNGO?

244
0

NITONG nakalipas na dalawang araw, binuksan sa rally ng Iglesia ni Cristo at pulitika ang napakaraming bagay na napakahahalaga para sa buong sambayan para pag-isipan at pagsimulan ng mga pagkilos tungo sa mga makabuluhang pagbabago.

DROGA, TRANSPARENCY, DEMOKRASYA

Napakaseryoso ang kahilingan sa INC rally na sa unang hakbang ay nakatuon sa pagbubukas sa madla ng kasalukuyang imbestigasyon sa grabeng maaanomalyang transaksyon ng gobyerno o taong gobyerno sa mga proyektong kontra-baha at iba pang imprastraktura.

At ang hiniling nilang demokrasya, ang partisipasyon ng taumbayan sa mga transaksyon ng pamahalaan, maging sa mga imbestigasyon sa mga sangkot sa mga anomalya hanggang sa makamit ang hustisya.

Kabilang sa mga lumutang nang husto ang konek ng Palasyo sa Kamara at Senado sa katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihan.

Lalo na nang lumantad si Zaldy Co na nagsabing tuwirang sangkot sa mga kikbak na P56 bilyon sa flood control scam at P25 bilyon sa P100 bilyong insertion sa 2025 national budget sina ex-House Speaker Martin Romualdez at Pangulong Bongbong Marcos.

Inakusahan pa ni Co na pinigilan siya ni Romualdez na umuwi ng Pilipinas sa kautusan na rin umano ng Pangulo upang mapagtakpan nila ang anomalya.

Pero higit na nagulantang ang lahat nang harap-harapang sabihin mismo ni Senator Imee Marcos na adik sa drogang cocaine at marijuana, ang Pangulo, kasama si First Lady Liza Araneta at iba pa.

Dahil sa pagiging adik, hindi na umano marendahan nang tama ng Pangulo ang bansa na sinamantala naman ng mga korap sa kanyang paligid.

DENY RITO, TURO ROON

Gaya ng inaasahan, mga Bro, todo deny ang magpinsang Romualdez at Marcos bukod sa pagdedma na lang sa mga akusasyon ni Co sabay turo sa huli.

Una, pawang guni-guni lang umano ang mga paratang ni Co at ginawa ito para ilihis ang sarili sa mga bintang na siya mismo ang may mga anomalya, gaya ng P13 bilyong “insertion” na may kikbak sa pambansang badyet noong 2025 gaya ng pahayag ng mga Public Works and Highways First District Bulacan at ni dating DPWH Undersecretary Robert Bernardo.

Ikalawa, walang probative value umano ang paratang ni Co dahil hindi ito notaryado ng kaukulang awtoridad.

Ikatlo, kasinungalin ang mga paratang ni Co dahil hindi ito dumaan sa mga imbestigasyon na personal na naroon siya, gaya ng sa Senate blue ribbon committee o Independent Commission for Infrastracture.

Ikaapat, hindi umano sana nagpasimula mismo ang Pangulo sa imbestigasyon sa katiwalian kung sangkot siya mismo rito.

Partikular sa drogang paratang sa Pangulo, wala umano itong patunay.

Una, drug free umano siya sa isang drug test na isinagawa sa kanyang sariling kahilingan.

Ikalawa, hindi ito kinakikitaan ng anomang pagbabago sa isip, kilos at pananalita at araw-araw itong masigla na gumagampan ng tungkulin nito.

Ikatlo, may pansariling interes umano, lalo na sa pulitika, si Manang Imee kaya sinisiraan nito mismo ang Pangulo.

SAAN TAYO PATUNGO?

Saan kaya tayo sa mga nagaganap na ito?

Sa langit ba o sa impiyerno?

Your guess is as good as mine.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here