Home NATIONWIDE P147-M lotto jackpots, ‘di pa rin napanalunan

P147-M lotto jackpots, ‘di pa rin napanalunan

269
0

MANILA, Philippines — Wala na namang nanalo sa lahat ng major lotto games ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes, Nobyembre 18, kaya muling tumataas ang mga jackpot prize.

Sa Lotto 6/42, nanatiling hindi napanalunan ang P5,940,000 matapos walang tumama sa kombinasyong 18-37-26-40-21-14. Hindi rin nakuha ang P15,840,000 jackpot ng Super Lotto 6/49 dahil walang nakapareha sa kombinasyong 37-32-43-20-34-44.

Pinakamalaki pa rin ang premyo ng Ultra Lotto 6/58, na umabot sa P125,249,742.20, matapos walang tumama sa kombinasyong 49-30-44-37-05-18.

Isinasagawa ang Lotto 6/42 at Super Lotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes at Sabado, habang ang Ultra Lotto 6/58 ay tuwing Martes, Biyernes at Sabado. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here