MANILA, Philippines- Sinabi ng World Health Organization na ang large-scale medical evacuation ay pinlano mula Gaza ngayong lingo, na may mahigit 100 malubhang sakit at nasugatang pasyente dahil sa pag-alis sa teritoryong winasak ng digmaan.
Sinabi ng WHO na kasama ng mga katuwang ay naglikas ng higit pa sa 113 pasyente nitong Miyerkules na karamihan ay papunta sa United Arab Emirates na mayorya ay patungo sa Romania para sa specialized care.
Kung mapapatuloy ito, ito ang magiging pinakamalaking paglikas mula sa Gaza mula noong Oktubre 2023 ayon sa datos mula sa UN health agency.
Ayon kay WHO representative Rik Peeperkorn, umaasa ito na magpapatuloy ang paglikas.
Ang mga nasa listahan ay kabilang sa hanggang 14,000 katao na kasalukuyang naghihintay sa Gaza upang ilikas sa labas ng teritoryo para sa mga medikal na dahilan.
Aniya, humigit-kumulang kalahati sa kanila ay nagtamo ng trauma injuries sa digmaan at ang iba ay dumaranas ng malubhang sakit tulad ng cancer. Jocelyn Tabangcura-Domenden