Home METRO Malaysian nat’l timbog sa P102M tobats

Malaysian nat’l timbog sa P102M tobats

133
0

MANILA, Philippines – Arestado sa isinagawang interdiction operation ng Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ang isang babaeng Malaysian national makaraang mahulihan ito ng mahigit P102 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa NAIA Terminal 1 Biyernes ng madaling araw, Marso 20.

Kiniala ni IADITG ang nadakip na suspek na si Nur Fatihah Binti Ahmad Hamdan, Malaysian national, 27, walang asawa at isang saleslady.

Base sa inisyal na report ng IADITG, naganap ang pgdakip sa suspek bandang alas 12:47 ng madaling araw sa Secondary Inspection Area, Customs International Arrival Area, NAIA Terminal 1, Pasay City.

Nabatid na ang suspek ay pasahero ng isang paparating na eroplano lulan ng Malaysian Airlines Flight MH0804 galing ng Kuala Lumpur.

Natiktikan ng mga awtoridad si Hamdan kung kaya’t paglabas nito ng eroplano ay binuksan ang dalawang kahon na bagahe ng suspek na parehong naglalaman ng tig-15 chopping board na gawa sa kahoy kung saan nakapaloob sa bawat isa nito ang 500 gramo ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 15,024 gramo o mahigit 15 kilo na nagkakahalaga ng P102,163,000.

Bukod sa ilegal na droga ay nasamsam din sa suspek ang kanyang pasaporte, Malaysian ID, Malaysian Airline boarding pass at cellular phone.

Ang nakumpiskang ebidensya ay dinala sa PDEA Laboratory Service para maisailalim sa laboratory examination.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 4 Art. Il ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Ang NAIA-IADITG ay binubuo ng mga operatiba na pinangungunahan ng PDEA RO NCR kabilang ang Bureau of Customs – Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (BOC-CAIDTF); PNP Aviation Security Group (AVSEG); Airport Police Department (APD); PNP Drug Enforcement Group (DEG); National Bureau of Investigation (NBI); at ng Bureau of Immigration (BI). (James I. Catapusan/ larawan ni Jimmy Hao)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here