Home HOME BANNER STORY House justice panel, tagausig sa impeachment vs VP Sara – Luistro

House justice panel, tagausig sa impeachment vs VP Sara – Luistro

153
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ni Batangas Rep. Gerville Luistro na ang mga miyembro ng House committee on justice ay kumikilos bilang mga tagausig sa impeachment proceedings laban kay Sara Duterte.

Ayon kay Luistro, tungkulin ng mga miyembro na suriin ang ebidensya at mga testigo mula sa parehong panig—ang nagrereklamo at ang respondent. Hindi sila ang magpepresenta ng ebidensya para sa depensa.

“The justice members are supposed to examine the evidence and the witnesses… We are prosecutors here,” ani Luistro.

Dagdag niya, si Duterte mismo ang dapat magpresenta ng kanyang depensa sa tulong ng mga abogado, dahil ang proseso sa Kamara ay preliminary investigation pa lamang at hindi pa trial.

Ipinaliwanag din niya na sa Senado pa lamang, bilang impeachment court, papayagan ang mga abogado na magsalita para sa kanilang kliyente.

Samantala, maaaring magtanong at magsuri ng ebidensya ang mga miyembro ng panel, kahit pa hindi sila sang-ayon sa reklamo.

Nakatakda ang mga pagdinig sa Marso 25, at sa Abril 14, 22, at 29. Dalawa na lamang sa apat na impeachment complaints ang tinatalakay matapos ibasura at bawiin ang iba. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here