Home TOP STORIES Malaysian PM: Cambodia, Thailand handa sa tigil-putukan

Malaysian PM: Cambodia, Thailand handa sa tigil-putukan

289
0

MALAYSIA – Handa ang Cambodia at Thailand na isaalang-alang ang tigil-putukan habang ang mga bakbakan sa border sa pagitan ng dalawang bansa ay tumaas nang husto noong Huwebes, ayon kay Datuk Seri Anwar Ibrahim.

Sinabi ng Punong Ministro ng Malaysia na siya ay direktang nakikipag-ugnayan sa kanyang mga katapat sa Thailand at Cambodia at umapela sa parehong mga pinuno para sa pagpapababa ng tunggalian.

“This evening, I spoke with both the Prime Minister of the Kingdom of Cambodia, Hun Manet, and the Acting Prime Minister of the Kingdom of Thailand, Phumtham Wechayachai, expressing Malaysia’s deep concern over the escalation of tensions along their border,” saad ni Anwar sa kanyang Facebook post noong Huwebes ng gabi.

“In our conversations, in Malaysia’s capacity as ASEAN Chair for 2025, I appealed directly to both leaders for an immediate ceasefire to prevent further hostilities and to create space for peaceful dialogue and diplomatic resolution,” ayon sa Malaysian leader.

“I welcome the positive signals and willingness shown by both Bangkok and Phnom Penh to consider this path forward. Malaysia stands ready to assist and facilitate this process in the spirit of ASEAN unity and shared responsibility,” dagdag niya.

Idinagdag niya na matibay ang kanyang paniniwala na ang lakas ng ASEAN ay nakasalalay sa pagkakaisa nito at ang kapayapaan ay dapat palaging maging sama-sama at hindi matitinag na pagpipilian ng rehiyon.

Sinabi ng mga ulat na sumiklab ang bakbakan noong Huwebes ng madaling araw malapit sa pinagtatalunang Ta Moan Thom Temple at kalaunan ay kumalat sa hindi bababa sa anim na lugar sa hangganan ng Thai-Cambodian.

Ang mga lokal na ulat ng Thai ay sinipi ang Thai Health Minister na si Somsak Thepsuthin na nagsasabing 11 Thai na sibilyan at isang sundalo ang napatay sa nakamamatay na sagupaan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here