Home METRO Maling paghawak sa tarsier ng 2 vlogger tatalupan ng DENR

Maling paghawak sa tarsier ng 2 vlogger tatalupan ng DENR

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Environment and Natural Resources na iniimbestigahan na nila ang video ng dalawang vloggerkung saan hinahawakan nila sa maling paraan ang Philippine Tarsiers, isang nanganganib na species na endemic sa Pilipinas.

Nag-viral sa social media ang mga clip ng isang video ng isang vlogger na kilala bilang “Farm Boy” na may hawak at nakikipaglaro sa isang tarsier habang ang kanyang kasama ay namumulot ng isa pa sa puno.

“This is to inform the public that the DENR-12 (Soccsksargen) monitoring and enforcement team received a report on Monday, April 8, about a disturbing video of improper treatment of Philippine Tarsiers,” ayon sa ahensya.

Sinabi nito na napag-alaman sa imbestigasyon nito na ang dalawang tarsier ay pinakawalan na sa gubat.

“However, the agency is still looking for further actions to be taken on the wildlife incident,” dagdag pa ng DENR.

Sa isang online exchange, sinabi ng conservation group na Philippine Tarsier Foundation na ang mga tarsier ay nocturnal at kadalasan ay “nagpapahinga at mas walang magawa sa araw,” na ginagawang mas madali para sa mga vlogger na mahuli sila.

“But then again. ito ay isang ina at isang sanggol — hindi siya magiging ganoon kabilis dahil dadalhin niya ang sanggol.”

Nauna nang sinita ng Philippine Tarsier Foundation ang nasabing insidente at iginiit na dapat panagutin ang mga taong ‘nagpapakita ng pang-aabuso sa hayop’. Santi Celario