Home ENTERTAINMENT Mall show ni Daniel, muntik magka-stampede!

Mall show ni Daniel, muntik magka-stampede!

Manila, Philippines- Mabuti’t naiwasang magkaroon ng untoward incident sa mall show ni Daniel Padilla noong isang araw.

May kinalaman ang kanyang show sa ineendorso niyang denim brand.

Ayon sa pamunuan nito, swak saw ang Kapamilya star para ihain ito sa market.

Taglay daw ni Daniel ang mga positive qualities that make him the perfect choice to endorse it.

‘Yun nga lang, something worse could have happened at the mall.

Lumikha kasi ng near-stampede ang presensya ni Daniel na obyus na na-miss ng kanyang mga fans.

Patunay ang mainit na pagtanggap kay Daniel na hindi nakaapekto nang malaki sa kanyang career ang sinapit ng relasyon nila ni Kathryn Bernardo.

Lalo pa yatang nanabik kay Daniel ang mga tao, seeing him in the flesh while performing to the hilt.

Buti’t naiwasan ang stampede, otherwise scores of mallgoers would have been injured.

Imagine, Paskung-Pasko ay may sakuna? Ronnie Carrasco III