Home METRO Pagpaslang sa barangay chairwoman, asawa tinatalupan

Pagpaslang sa barangay chairwoman, asawa tinatalupan

ILOILO CITY- Iniimbestigahan na ng mga pulis sa Iloilo ang pagpaslang nitong Huwebes sa isang kapitana at kanyang asawa sa Barangay Tinocuan, Dueñas, Iloilo.

Sinabi ni Brigadier General Jack Wanky, direktor ng Western Visayas police, na nangangalap sila ng impormasyon upang matukoy ang mga salarin at alamin ang motibo sa likod ng pagpaslang kay Michelle Lamela, chairperson ng Barangay Santo Niño, Dueñas, at kanyang asawang si Rodney Lamela.

Isa sa mga motibong sinisilip ng mga pulis ay paghihiganti matapos nilang malamang inakusahan si Rodney ng pagpatay kay Joel Ladublan, kapatid ng isang retired police officer, sa isang kaguluhan noong Sept. 1, 2008.

Nang kunan ng komento, sinabi ng biyuda ni Ladublan na si Adela na wala silang kinalaman sa pagkitil sa mag-asawang Lamela.

“Do they have evidence?” aniya sa isang panayam.

Inihayag ni Mario Lacquesta, isa sa mga konsehal ng Barangay Santo Niño, na walang kaaway ang kanilang kapitana.

“Our village chief has done excellent work in leading our place and I can attest to this because we work together in the council,” giit niya.

Naiwan ng mag-asawang Lamela ang pitong anak– apat ang nasa ibang bansa, habang tatlo ang naninirahan kasama ang kanilang mga magulang.

Makikita sa footage mula sa isang closed-circuit television ang dalawang indibidwal sakay ng isang motorsiklo.

Makikitang nakasuot ang gunman ng blue helmet na may pink at white color combination, black jacket, shorts, at tsinela, habang nakasuot ang driver ng itim na helmet, itim najacket na may puting stripes sa manggas, long sleeves, at puting sapatos. RNT/SA