BACOLOD CITY- Nalunod ang isang limang taong gulang na lalaki sa isang swimming pool sa beach resort sa Barangay Daga, Cadiz City, Negros Occidental nitong Miyerkules.
Hindi pinangalanan ng mga pulis ang biktima subalit siya ay residente ng Barangay Tinampa-an, Cadiz City at isang kindergarten pupil.
Sinabi ni Police Lt. Col. John Joel Batusbatusan, Cadiz police chief, na hindi napansin ng 22-anyos na ina ng bata na pagala-gala ang kanyang anak sa pagtitipon.
Nadiskubre ng resort guest ang biktima na nalulunod at tumawag ng tulong.
Dinala ang biktima sa ospital kung saan siya idineklarang patay.
Iniulat lamang ang insidente sa kapulisan nitong Huwebes ng umaga. RNT/SA