Home NATIONWIDE Mall-wide sales malapit sa FIVB champ venues, ipinagbawal ng MMDA

Mall-wide sales malapit sa FIVB champ venues, ipinagbawal ng MMDA

253
0

MANILA, Philippines – Ipinagbawal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mall-wide sales sa mga mall malapit sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City at SM Mall of Asia Arena sa Pasay habang idinaraos ang FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025.

Ipatutupad ang ban tuwing Setyembre 12–14, 20–21, at 27–28 upang maiwasan ang matinding trapiko sa unang pagkakataong i-ho-host ng Pilipinas ang torneo.

Ayon sa MMDA, bahagi ito ng traffic management para sa pagdagsa ng mga manlalaro, delegado, at fans mula sa 32 bansa, at magde-deploy ng mga traffic enforcer upang matiyak ang kaayusan at seguridad. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here