Home METRO Malolos City pulis, kinasuhan matapos manakit ng live-in partner

Malolos City pulis, kinasuhan matapos manakit ng live-in partner

53
0

MANILA, Philippines – Nahaharap sa kasong kriminal at administratibo ang isang pulis sa Malolos City matapos umanong saktan ang kanyang live-in partner sa viral video.

Ayon kay Commissioner Atty. Rafael Vicente Calinisan ng National Police Commission, nagsampa na ng criminal case ang Philippine National Police laban sa pulis habang naghain din ng administrative case ang biktima.

Na-relieve na rin sa puwesto ang pulis matapos lumabas ang CCTV footage ng insidente noong Marso 12 sa kanilang bahay.

Batay sa imbestigasyon, nagsimula umano ang away matapos patayin ng pulis ang kanyang location tracker na ikinagalit ng biktima.

Humingi naman ng paumanhin ang pulis sa publiko.

“Ako po ay humihingi ng pasensya sa lahat ng na-offend ng nangyari sa aming mag-partner po,” aniya.

Sinabi rin niya na mali ang nangyari at hindi raw lahat ng pulis ay katulad niya.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang biktima. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here