Home ENTERTAINMENT Mam Charo, bumalik na ang boses!

Mam Charo, bumalik na ang boses!

Manila, Philippines- Unti-unti nang bumabalik ang boses ni Charo Santos, raspy nga lang.

Inamin niya kasi sa kanyang video sa Instagram na nawalan siya ng boses.

Dala na rin daw ‘yon ng inabuso niyang pangangatawan all because of her work and military training.

While doing her makeup, Charo shared: “Hay naku, nagising na lang ako na wala na akong boses!”

She could only attribute her loss of voice to the back-to-back taping schedules of Batang Quiapo.

Papel na lola ni Tanggol played by Coco Martin ang role ni Charo sa nasabing teleserye.

Bukod dito’y ang dinanas daw niyang hirap sa field training exercise sa Philippine Air Force.

Nitong October ay ganap nang military reservist ang dating executive ng ABS-CBN.

Buti na lang daw at naka-graduate siya.

Pero dusa raw ‘yung time na ‘yon kung saan her only means of communication with the commanding officers ay sa pamamagitan ng white board at pentel pen.

Mahigpit daw siyang pinagbawalan ng kanyang doktor na mgsalita o bumulong man lang.

Katakutakot din daw ang mga gamot na nireseta sa kanya.

Bilin din ng doktor na uminom ng maraming tubig.

Sa ngayon, Charo is slowly getting her voice back. Ronnie Carrasco III