Home HOME BANNER STORY Mamumuno sa ahensyang maghahabol sa ill-gotten wealth ng pamilya Marcos itinalaga ni...

Mamumuno sa ahensyang maghahabol sa ill-gotten wealth ng pamilya Marcos itinalaga ni PBBM

MANILA, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. si dating Court of Appeals Associate Justice Melchor Quirino Sadang bilang chairman ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Ang ahensya ay may tungkuling bawiin ang ill-gotten wealth ng pamilya Marcos at kanilang mga kasama.

Inanunsyo ng Presidential Communications Office ang pagtatalaga kay Sadang nitong Lunes, Abril 22, kasama ang mga appointment kay Ethel Agnes Valenzuela bilang commissioner ng Commission on Higher Education at Asis Perez bilang undersecretary ng Department of Agriculture.

Kabilang sa iba pang appointees sina Rose Marie Arenas, miyembro ng Board of Directors ng Manila Economic and Cultural Office; Eric Arevalo, direktor III ng Department of Agrarian Reform; Jason Barlis, chairman ng Legal Education Board ng Korte Suprema; at Jesus Nathanial Martin Gonzales, undersecretary ng Department of Transportation, bukod sa iba pa.

Ipinost din sa social media ng PCO ang iba pang appointtees:

RNTÂ