Home METRO Manager ng kompanya bistado sa pangungulimbat ng ₱100M

Manager ng kompanya bistado sa pangungulimbat ng ₱100M

394
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga miyembro ng Warrant and Subpoena Unit (WSU), Station Intelligence Section (SIS) ng Makati City police at ng National Intelligence and Security Group-National Capital Region (NISG-NCR) ang may mataas na katungkulan ng isang kumpanya na sangkot sa 266 kaso ng qualified theft nitong nakaraang Miyerkules ng hapon, Hulyo 10.

Kinilala ng Makati City police ang nadakip ng suspect na si alyas Charmaine, 45, operations manager ng isang kumpanya.

Base sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), inaresto si alyas Charmaine ng mga miyembro ng nabanggit na operatiba dakong ala 1:10 ng hapon sa isang lugar sa Bonifacio Global City (BGC).

Naisakatuparan ang pagdakip kay alyas Charmaine sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong Mayo 29, 2024 ni Makati City Regional Trial Court (RTC) Judge Cristina Arcilla Mabazza ng Branch 141 sa ilalim ng Criminal Case Nos. R-MKT-24-00870-CR to 24-01144-CR na iprinisenta ng abogado ng complainant na isang public relations company.

Sangkot si alyas Charmaine sa 266 counts ng Qualified Theft through Falsification of Commercial Documents kung saan inirekomenda ng korte ang kanyang piyansa na umabot sa halagang ₱10,610,000.

Sa kabuuang halaga ng ilalagak na piyansa ni alyas Charmaine, ang ₱390,000 ay para sa 13 counts na tig-₱30,000 bawat isa; ₱10,040,000 para sa 251 counts na may tig-₱40,000 kada kaso; at ang halagang ₱180,000 ay para naman sa 2 counts na may tig-₱90,000 ang bawat isa.

Sa isinagawang imbestigasyon, napag-alaman na si alyas Charmaine, noogn siya ay naging accountant sa dati niyang kumpanya, ay nasangkot ito sa sistema na may multiple invoices na hindi tumutugma sa financial records ng kumpanya kung saan nagkaroon ito ng discrepancy na umabot sa ₱100 milyon.

Ang pagkakadiskubre nito ang nagbigay ng daan upang magsagawa ng malalim na imbestigasyon patungo sa reyalisasyon kung saan siya nagkaroon ng bagong titulong operations manager. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here