Home METRO Mananahi tinarakan sa dibdib ng katrabaho, dedo

Mananahi tinarakan sa dibdib ng katrabaho, dedo

1
0

CAVITE, Philippines – Isang 42-anyos na lalaki ang sinaksak ng isang  jungle knife ng kanyang kasamahan  sa gitna ng mainitang pagtatalo habang nag-iinuman sa Imus City, Cavite

Sa report, naisugod pa sa Medical Center Imus ang biktimang si alyas Rob, may-asawa, residente ng Brgy San Roque, Dasmarinas City, Cavite subalit namatay habang ginagamot dahil sa tindi ng tinamong saksak sa dibdib habang mabilis namang tumakas ang suspek na si alyas Mel, 34, isa ring Mananahi ng Sta Cristina II, Dasmarinas City, Cavite.

Batay  ulat ng pulisya, bandang alas-12:30 ng hapon  nag-iinuman ang biktima, suspek at dalawa pa na kasamahan nito sa trabaho sa B1 L43 Phase 3, Barcelona Subd., Brgy Buhay na Tubig, Imus City, Cavite nang habang nasa kalagitnaan ng kanilang inuman ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa na na nauwi sa pananaksak ng suspek sa biktima.

Patuloy naman ang follow up operation ng kapulisan sa tumakas na supek na magpahanggang  ngayon ay nakalalaya pa. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here