Home ENTERTAINMENT Manay Celia, super puri kay Coco!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Manay Celia, super puri kay Coco!August 22, 2025 15:502460 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Isang “showbiz myth” lang na matatawag na nakaka-intimidate ang isang Celia Rodriguez.Ito mismo ang napatunayan ng mga nakapanood sa vlog interview ni Ogie Diaz sa beteranang aktres.Manay Celia–as she’s fondly called in showbiz circles–attributes the impression of her to the roles she portrays.Kadalasan kasi’y kontrabdida.Pero salag ng aktres: “Gumanap din naman ako ng mabait tulad sa pelikulang ‘Lilet,'” aniya.To date, she has been in the industry for six decades.Pero may ilan pa rin daw mga artistang hindi niya nakakatrabaho.Naikuwento ng aktres nang tawagan daw niya si Coco Martin para ihingi ng tulong ang isang kapwa aktres whose name she did not mention.Dying daw kasi ang asawa nito: “Kung ako lang,mayaman…tinulungan ko na. But I sought Coco’s help.”Ang ending, hindi naman daw nabigo si Manay Celia.“No wonder, he’s so blessed kasi marunong siyang mag-share ng blessings to think he’s a young boy!”Hindi rin nagtataka ang aktres kung patok ang mga teleseryeng pinagbibidahan nito. Ronnie Carrasco III