Home ENTERTAINMENT Vivian, nanawagang iboykot si Vice!

Vivian, nanawagang iboykot si Vice!

272
0

Manila, Philippines- Sumakay na rin ang dating tinaguriang Miss Body Beautiful na si Vivian Velez para iboykot ang mga produktong ineendorso ni Vice Ganda.

Una na rito ay ang sikat na food chain bilang simpatya sa mga kapwa niya DDS na nilibak ng TV host sa patawa nito sa concert nila ni Regine Velasquez kamakailan.

Samantala, hindi totoong pinalitan na ni Heart Evangelista si Vice Ganda bilang endorser nito.

At bilang pasasalamat nga’y nag-treat pa si Vice Ganda sa studio audience.

Hindi pa doon nagtapos ang panawagan ni Vivian.

Nag-post pa ito ng ibang brand ng tocino, sabay pagbibida na ‘yun daw ang totoong masarap na tocino at hindi ang ineendorso ni Vice Ganda.

Mukhang hindi titigilan ni VV ang Unkaboggable Star hangga’t hindi ito binibitawan ng mga kumpanyang kumuha sa kanya to endorse their products.

So far, wala pa naman ang bumibitaw kaya sorry na lang, Vivian! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here