Home NATIONWIDE Mandatory dashcam sa pagresolba ng mga road rage, iminungkahi

Mandatory dashcam sa pagresolba ng mga road rage, iminungkahi

275
0

MANILA, Philippines – Iminungkahi ng Automobile Association of the Philippines (AAP) na gawing mandatory ang paglalagay ng dashcam sa mga sasakyan upang mas madaling maresolba ang mga road rage incidents.

“Sa ibang bansa, mandatory sa kanila na may dashcam. Kapag may sigalot sa kalsada, ire-review lang ang dashcam. Kitang kita mo yung may kasalanan,” sabi ni AAP president Augustus Ferreria sa Super Radyo dzBB.

Dagdag pa niya, “’Yan ay isa sa mga paraan, na kahit hindi gumastos ang gobyerno, i-require lang nila sa mga nagmamaneho na mayroon silang dashcam.”

Ang panukala ay kasunod ng mga viral road rage incidents sa Obando, Bulacan at Marikina City Riverbanks, na iniimbestigahan na ng Land Transportation Office (LTO).

Ayon kay Ferreria, makatutulong ang dashcam para hadlangan ang paglabag sa traffic rules. Iminungkahi rin niya na isama sa driving school curriculum ang “psychological framework” at tamang asal sa kalsada.

“Dapat ang attitude mo namimigay [sa kalsada],” ani Ferreria. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here