MANILA, Philippines- Naghahanda na ang Office of Civil Defense (OCD) Bicol na magpatupad ng mandatory evacuation measures bilang paghahanda sa potensyal na lahar flows mula sa bulkang Mayon.
Kasunod ito ng pahayag ng PAGASA na posibleng umiral ang moderate to heavy rains (50 to 100mm) sa Bicol at 11 pang lugar.
“We are on constant alert regarding the lahar situation around Mayon Volcano. Experts warn that lahar deposits from previous eruptions can be mobilized when rainfall reaches 60mm per hour,” pahayag ni OCD Bicol director Claudio Yucot nitong Miyerkules ng hapon.
Sinabi rin ng OCD na magpapatupad ng evacuations kapag umabot ang buhos ng ulan sa threshold na 40-50mm per hour.
Matatandaang nagbabala ang PHIVOLCS sa posibleng lahar flow sa nakaambang moderate to heavy rainfall sa Bicol Region at Negros Island sa mga susunod na araw.
“This can generate volcanic sediment flows or lahars, muddy streamflows or muddy run-off in rivers and drainage areas on the monitored active volcano,” pahayag ng PHIVOLCS.
“DOST-PHIVOLCS thus strongly recommends increased vigilance and readiness of communities in pre-determined zones of lahar and related hazards on these volcanoes,” dagdag nito.
Nananatili ang bulkang Mayon sa Alert Level 1. RNT/SA