MANILA, Philippines – Inulit ni Davao City first district Rep. Paolo Duterte ang kanyang matagal nang panawagan para sa mandatory hair follicle drug testing para sa lahat ng opisyal ng gobyerno, kasunod ng pagbubunyag na ginawa ni Sen. Imee Marcos tungkol sa kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Lunes ng gabi, Nob. 17.
Sa isang pahayag sa kanyang opisyal na Facebook page, sinabi ni Duterte na ang mga pahayag ni Sen. Marcos ay nangangailangan ng transparency mula sa mga pampublikong opisyal at hindi dapat i-dismiss bilang “excuses.”
“If Sen. Imee’s statements are true, then the Filipino people deserve clarity, not excuses,” ayon kay Duterte.
Binigyang-diin niya na siya at ang iba pang mga mambabatas ay paulit-ulit na nagsusulong para sa pagpapatupad ng hair follicle drug testing sa gobyerno, na idiniin na ang panukala ay hindi bago o politically motivated.
“For years, we have been at the forefront of the call for hair follicle drug testing for all government officials,” saad ni Duterte. “This is not new. This is not personal. This is for transparency and integrity in government.”
Dahil sa mga pahayag ni Sen. Marcos, sinabi ni Duterte na mas itinutulak nila ang pag-apruba sa pagsasagawa nito.
“Why? What are you hiding? Who are you protecting? If there is nothing to fear, then no one should refuse,” aniya. “All government officials must undergo drug testing. No exemptions. No special treatment.”
Idinagdag niya na ang pagpapanatili ng isang drug-free na pamumuno ay mahalaga para sa pangangalaga sa kinabukasan ng bansa, lalo na para sa buhay at kinabukasan ng mga bata. RNT/MND