MANILA, Philippines- Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara ni Davao City Rep. Paolo Duterte na nagsusulong na magkaroon ng “mandatory drug testing” kada anim na buwan para sa lahat ng elected at appointed officials kabilang ang Pangulo ng bansa.
“Elected and appointed officials of public office, including the President of the Republic of the Philippines, to undergo random drug testing through hair follicle drug test every six months and institutionalizing voluntary random drug testing of candidates for electoral posts within 90 days prior the election day,” nakasaad sa panukala ni Duterte.
Ayon kay Duterte, ang magpopositibo sa drug test ay maaaring suspendihin o tanggalin sa pwesto.
Ang mga kandidato sa electoral posts ay maari ring magboluntaryong magpa-drug test sa loob ng 90 araw bago ang eleksyon. Gail Mendoza