Ipinahayag ni Senatorial candidate Camille Villar ang pangangailangang suportahan ang industriya ng mangga sa Pilipinas sa kanyang pagbisita sa San Carlos, Pangasinan para sa Mango-Bamboo Festival.
Pinuri niya ang pagsisikap ng lungsod sa pagpapaunlad ng produksyon ng mangga at binigyang-diin ang kahalagahan nito sa buong mundo bilang pangalawang pinakakinokonsumong prutas.
Ipinagmamalaki ni Villar ang kalidad ng Philippine mangoes, lalo na ang carabao mangoes, at nangakong susuportahan ang mga polisiya upang mapataas ang ani sa pamamagitan ng High-Value Crops Development Program ng Department of Agriculture.
Binigyang-diin din niya ang pagpapabuti ng orchard management at pagpapaunlad ng teknolohiya sa pagpoproseso nito. RNT