MANILA, Philippines – Nasungkit ng isang solong mananaya ang P19.4 milyong jackpot prize para sa Lotto 6/42.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), sa draw nitong gabi ng Martes, Abril 1, ay tinamaan na ang winning combination na 23-05-39-11-02-07.
Iuuwi ng nanalo ang jackpot prize na P19,410,097.
Samantala, wala naman nanalo sa Superlotto 6/49 sa winning number na 20-46-26-41-17-43.
Ang jackpot prize naman para rito ay mahigit P19 milyon na. RNT/JGC