MANILA, Philippines – Naglunsad ng manhunt ang pulisya laban sa dalawang lalaking pinaniniwalaang nasa likod ng pagpatay sa mag-asawang restaurant owner sa Marawi City.
Ayon kay Col. Robert Daculan, Lanao del Sur police director, nadiksubre ang bangkay ng mag-asawang sina Bairah Sangcaan Monte, 56, of Molundo, at Usodan Hadjicaya Monte, 58, sa basement ng kanilang restaurant na B&E Inasal, sa Barangay Sarimanok bandang alas-7 ng umaga nitong Mayo 16.
Nagtamo ng mga hiwa sa ulo at katawan ang mga biktima, ayon sa police report na ipinasa kay Brig. Gen. Romeo Macapaz, director ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) police.
“We condemn the killing of the couple and we are tracking the suspects,” saad sa pahayag ni Daculan nitong Sabado, Mayo 17.
“Rest assured of our in-depth investigation to bring these criminals behind bars,” dagdag pa niya.
Dalawang katao ang inilagay bilang persons of interest.
Ayon sa mga saksi, ang mga suspek umano ay ang dalawang lalaking katiwala ng restaurant, na pinaniniwalaang nasa edad 20 at 25 anyos at residente ng Butuan City.
Ani Maj. Salahuddin Basher, spokesperson ng Lanao del Sur police, gulo-gulo ang kwarto ng mag-asawa dahilan para ilagay nila ang robbery bilang motibo sa pagpatay.
Ipinag-utos na ni Marawi City Mayor Majul Gandamra sa pulisya ang masusing imbestigasyon ng insidente at makasuhan ang mga suspek.
“The loss of life is always a matter of great concern to the PNP,” pahayag ni Lt. Col. Muhidin Pagayawan, Marawi City police chief.
“We are committed to uncovering the truth and ensuring that due process is followed in all aspects of the investigation.” RNT/JGC