Home NATIONWIDE Suspek sa pagpatay sa titser, buntis na asawa tumba sa operasyon

Suspek sa pagpatay sa titser, buntis na asawa tumba sa operasyon

195
0

MANILA, Philippines – Napatay sa operasyon ng pulisya ang suspek sa pagpatay sa isang titser at buntis nitong asawa sa Matalam, Cotabato.

Kinilala ni Col. Gilbert Tuzon, Cotabato provincial police director, ang napatay na suspek na si alyas Ali, residente ng Purok Waling-Waling sa Barangay Poblacion.

Nagpumiglas si Ali sa paghuli ng mga awtoridad na sinubukang isilbi ang warrant, bandang alas-4 ng hapon nitong Biyernes.

Ang warrant ay inisyu ng korte sa Kabacan, ani Tuzon.

Si Ali, na armado ng pistola, ay nagpaputok ng baril sa mga umaarestong pulis, dahilan para gumanti ng putok ang mga awtoridad.

Dinala sa ospital ang suspek ngunit idineklarang dead on arrival.

Si Ali ang tinukoy na gunman sa pagpatay noong Mayo 14 kay Eliser Sugaste, guro ng Matalam National High School, at asawa nitong si, Lailane, na buntis, at nagmamay-ari ng isang computer printing shop sa bayan.

Namatay on the spot ang mag-asawa.

Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo ng mag-asawa.

Natukoy ng mga awtoridad si Ali bilang suspek sa pamamagitan ng closed-circuit television footage at salaysay ng mga saksi.

Pinaghahanap pa rin sa ngayon ang ikalawang suspek. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here