Home NATIONWIDE DILG sa LGUs: Cashless payments ipatupad sa gov’t transactions

DILG sa LGUs: Cashless payments ipatupad sa gov’t transactions

158
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan nitong Sabado, Mayo 17, na palakasin ang electronic payment at collection systems bilang alternatibo sa tradisyunal na paraan sa pagbabayad sa government transactions.

Hinihikayat ng memorandum circular ng DILG ang mga LGU na ipatupad ang EPCS para sa pagkolekta ng local taxes, fees, at iba pang bayarin, ayon sa Executive Order No. 170, series of 2022 sa paggamit ng digital payments para sa government transactions.

Iginigiit din ng DILG na ang digital payments ay nagpapabuti ng transparency, efficiency at public convenience, at hinimok din ang mga LGU na mag-alok ng secure, accessible digital options, at siguruhing ang payment channels ay user-friendly, at makipagtulungan sa authorized providers, kabilang ang government servicing banks.

“All efforts must align with the National Retail Payment System Framework and the Data Privacy Act,’’ pahayag ng DILG.

“LGUs are also expected to define clear procedures for issuing electronic invoices and billing notices, consistent with guidelines from the Commission on Audit and the Bangko Sentral ng Pilipinas,’’ dagdag pa.

Bagamat ipinapanukala ang digitalization, nilinaw ng DILG na maaari pa ring tumanggap ng cash at iba pang traditional modes ng bayad ang mga LGU para masiguro ang accessibility sa lahat.

Para suportahan ang full implementation, hinimok din ng DILG ang mga LGU na magpasa ng mga ordinansa at mag-isyu ng lokal na polisiya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here