MANILA — Maaantala ng dalawang taon ang Metro Manila flood control project, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
“Naiintindihan ko na ang partikular na programang ito ay kasalukuyang nire-restructure kaya magkakaroon ng dalawang taong extension,” sabi ni MMDA acting Chairman Romando Artes sa budget hearing sa Senado noong Lunes, Agosto 19.
Nagpahayag ng pagkadismaya si Senador Joel Villanueva sa pagkaantala at tinanong ang dahilan nito, ngunit hindi maipaliwanag ni Artes dahil ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang may hawak ng flood control.
“Sila gagawa then kapag tapos na, turnover sa MMDA for operation,” ani Artes. “Nagco-coordinate lang po samin ang DPWH, nagpaparticipate kami sap pagpaplano from time to time pero implementation po is DPWH.”
“That is also your turf. Project ‘yan sa jurisdiction ninyo. Siguro tama na makakuha ng sagot sa DPWH. We will ask that but I think you should also know what’s going on dahil inyo po yan and kayo yung pagtu-turnoveran niyan. I am just disappointed na restructure uli,” sabi naman ng senador kay Artes. RNT