Home HOME BANNER STORY Manila North at South Cemetery sarado mula Marso 27 ‘gang 31

Manila North at South Cemetery sarado mula Marso 27 ‘gang 31

MANILA, Philippines- Sarado sa publiko ang North Cemetery sa Sta, Cruz, Manila at South Cemetery sa Makati simula ngayong March 27, Miyerkules Santo, hanggang March 31, Linggo ng Pagkabuhay, ayon sa Manila City government.

Sa abisong naka-post sa social media account, sinabi ng Manila public information office na buong araw sarado ang North Cemetery ngayong March 27 habang simula alas-12 ng tanghali ay hindi na maaaring pumasok sa South Cemetery.

Anito pa, bukas ang dalawang sementeryo para sa mga libing sa Linggo.

Nauna nang idineklara ng Maynila ang half-day classes sa public at private schools at half-day work para sa city government employees ngayong Miyerkules. RNT/SA

Previous articlePasahero nahulog sa barko
Next article54 bus sasaklolo sa commuters sa pagsasara ng LRT-1