Home HOME BANNER STORY Pasahero nahulog sa barko

Pasahero nahulog sa barko

Larawan mula sa Facebook (kuha ni Titan Hannes Xavier Dylan)

MANILA, Philippines- Aksidenteng nahulog mula sa barko ang isang pasaherong lulan ng Montenegro Santa Brigida na rutang Batangas patungong Calapan nitong ika-26 ng Marso, 2024.

Ayon sa ulat na ibinahagi ng Philippine Port Authority (PPA), agad na naisalba ang pasahero ng motorbanca at naibalik sa nasabing barko.

Agad na ipinarating ang insidente sa pantalan ng Calapan kung saan rumesponde ang port police officers sa Ramp 6A para mag-abang sa pagdaong ng nasabing RoRo upang agad na mabigyan ng first aid ang nasabing pasahero.

Sa Calapan port, nag-abang din ang ambulansya na nagdala sa pasahero sa ospital para sa karagdagang atensyong medikal.

Napag-alamang isang babae ang pasahero na aksidenteng nahulog sa RoRo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePCG nakapagtala ng higit 34K pasahero sa mga pantalan
Next articleManila North at South Cemetery sarado mula Marso 27 ‘gang 31