Home HOME BANNER STORY 54 bus sasaklolo sa commuters sa pagsasara ng LRT-1

54 bus sasaklolo sa commuters sa pagsasara ng LRT-1

Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ibabalik ang Libreng Sakay (Free Ride) sa Edsa Bus Carousel at modern jeepneys sa Nobyembre hanggang pagtatapos ng taon. Danny Querubin

MANILA, Philippines – Para maibsan ang epekto ng pagsasara ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa panahon ng Semana Santa, nasa 54 na bus ang ipinakalat para magsilbi sa mga commuter na maaapektuhan nito.

Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr) na ang deployment ng mga pampasaherong bus ay ginawa upang “i-offset ang pagsara ng mga operasyon ng LRT Line 1 na magsasagawa ng paghahanda para sa pagbubukas ng limang karagdagang istasyon mula Redemptorist hanggang Dr. Santos Stations ng LRT Line 1 sa loob ng taong ito.”

“Ang LRT-1 ay magsasagawa rin ng taunang mga gawain sa pagpapanatili ng Semana Santa,” sabi ng DOTr.

Sinabi ng Transportation Department na dadaan ang mga bus sa ruta mula Edsa-Taft hanggang Monument at vice-versa, sa kahabaan ng Taft Avenue.

Apat na bus mula sa MMDA at 50 bus mula sa LTFRB ang na-deploy araw-araw sa mga nasabing ruta mula 4 a.m. onwards nitong Marso 27/

Ang pick up at drop off points ay itinakda naman sa kahabaan ng Taft Avenue, partikular sa Edsa-Taft, Gil Puyat, Doroteo Jose, Carriedo, at Monumento. RNT

Previous articleManila North at South Cemetery sarado mula Marso 27 ‘gang 31
Next articleWalang hagip na Pinoy sa pagguho ng tulay sa Baltimore – DFA