Home NATIONWIDE Bebot na biktima ng illegal recruitment para maging tutor-kasambahay nasagip sa Cebu

Bebot na biktima ng illegal recruitment para maging tutor-kasambahay nasagip sa Cebu

MANILA, Philippines – NASAGIP ng mga tauhan ng Bureau of immigration (BI) ang isang babaeng ni-recruit bilang tutor cum house helper sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA).

Iniulat ni BI immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) chief Bienvenido Castillo III ang pagharang ng isang babaeng biktima na nagtangkang umalis sakay ng Philippine airlines flight papuntang Bangkok noong Abril 2.

Nabatid sa BI na ang biktima ay siang 26-anyos na itinago ang pangalan bilang pagsunod sa anti-trafficking laws, ay nagsabi na siya ay inisponsor ng isang Chinese national na nakilala niya sa isang Facebook group.

Inamin ng biktima na kinuha siya upang magtrabaho bilang isang pribadong tutor at isang kasambahay, at pinangakuan ng buwanang suweldo na P25,000.

Napansin ng mga opisyal na ang biktima ay pinatigil noong Marso matapos matuklasan na na-recruit para magtrabaho bilang isang guro sa ibang bansa. Gayunpaman, iginiit niya na subukang umalis sa kabila ng alam niya ang mga iligal na kalagayan ng kanyang recruitment.

Inulit ni BI Commissioner Norman Tansingco ang babala ng ahensya laban sa online recruitment.

“We have observed that many of these trafficking victims are often recruited through messenger or groups on social media,” ani Tansingco. “Avoid entertaining such officers, and only apply through legal means, through the Department of Migrant Workers,” dagdag pa ng opisyal.

Ang kanyang kaso ay inendorso sa MCIA Inter-Agency Council Against Trafficking para sa karagdagang imbestigasyon laban sa kanyang mga recruiter. JAY Reyes