
MANILA, Philippines – Masusing iniimbestigahan ngayon ng Manila Police District (MPD) ang pagkamatay ng isang lalaking koreano na ‘di umano ay tumalon sa isang gusali sa Malate, Maynila.
Tinatayang nasa edad na 20 pataas ang biktima.
Ayon kay Barangay Ex-O Guillermo Leopardas Jr, ng Brgy. 698, pasado alas 7 ng umaga ng Miyerkules nang itawag sa kanila ang isang insidente.
Agad naman siyang tumawag sa pulisya upang maimbestigahan ang tunay na nangyari sa biktima.
