Home METRO Manila Zoo may bagong baby lion

Manila Zoo may bagong baby lion

180
0

IPINAKILALA ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang bagong miyembro ng Manila Zoo na isang batang babaeng leon na pinangalanan nila na “Isla”.

Ayon kay Lacuna, si Isla ay panibagong koleksyon ng mga hayop sa Manila zoo subalit pansamantala muna itong hindi masisilayan ng mga bibisita sa nasabing zoo dahil pinalalaki at pinalalakas muna nila ito.

Pinasalamatan naman nina Mayor Lacuna at Manila Public Recreations Bureau (PRB) OIC Director Roland Marino ang mga opisyal ng Manila Achievers Lions Club, District 301-A3, sa kanilang pagbibigay sa Manila Zoo ng isang batang leon. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here