Home NATIONWIDE Manong Chavit inendorso ni Isko

Manong Chavit inendorso ni Isko

(c) Crismon Heramis

PLANO ni Senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson na ipakilala ang 22-seater electric vehicles, na nilagyan ng air conditioning at CCTV sa publiko para mapahusay ang kaligtasan at ginhawa ng mga pasahero.

Ito ang pahayag ni Manong Chavit sa higit 1,500 senior citizen na residente sa lungsod ng Maynila na nagtipon-tipon sa loob ng isang kilalang mall kasabay ng pag-endorso sa kanya ng nagbabalik alkalde ng Maynila na si dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Ayon kay Manong Chavit, ipapautang umano nito ng walang interest sa halagang P1.2 milyon kada unit ang e-jeep sa mga kwalipikadong makakakuha nito.

Kaugnay nito, isusulong din ni Manong Chavit na magkaroon ng sariling bank account ang bawat Pilipino sakaling siya ay maging Senador ng bansa.

(c) Crismon Heramis

Sabi ni Singson, 77% ng mga Pinoy ay walang sariling bank account at 91% ang walang credit card kung kaya’t nahihiraparan ang gobyerno na magbigay ng mga serbisyo tulad ng ayuda.

Sakaling manalo ng Senador, agad daw gagawa ng panukalang batas si Singson na bawat 18-anyos pataas na Pinoy ang magkaroon ng access sa mga banko upang mas mabilis na maibaba ang tulong ng pamahalaan tulad ng mga ayuda.

Nagawa na daw niya ito sa bayan ng Narvacan Ilocos Sur noong siya pa ang Alkalde at hanggang ngayon ay nagagamit pa ito ng mamamayan doon. JR Reyes