Home METRO Manyakis nanuklaw ng leeg ng paslit, kalaboso

Manyakis nanuklaw ng leeg ng paslit, kalaboso

Bulacan – Arestado ang 40 anyos na lalaking palaboy matapos lingkisin at halikan ang babaeng grade 6 student sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang suspek na si alyas Roderick, binata, residente ng Brgy. Minuyan habang ang biktima ay itinago sa pangalang “Ning”, 12, residente ng Brgy. Gaya-gaya.

Sa report ng SJDM police, nangyari ang insidente bandang 9:20 ng umaga nitong Abril 16 sa 6D Towerville, Brgy. Gaya-gaya.

Ayon sa report, bumibili ang biktima ng yelo sa tindahan nang biglang yakapin at halikan sa leeg ng suspek na biglang lumitaw sa lugar.

Sa takot ay nagpumiglas ang bata hanggang sa nakatakas, nakauwi at nagsumbong sa kanyang kaanak na nagsumbong sa mga awtoridad kaya nahuli ang suspek.

Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III