Home NATIONWIDE Mapanganib na South China Sea activity ng Beijing kinondena ng UK

Mapanganib na South China Sea activity ng Beijing kinondena ng UK

MANILA, Philippines – KINONDENA ni UK Foreign Secretary David Lammy ang mapanganib na aktibidad ng Beijing sa pinagtatalunang South China Sea (SCS).

“We’re concerned about dangerous and destabilizing activities by China in this region,” ang sinabi ni Lammy sa isang video na bahagyang kinunan kasama ang isang vessel na pagmamay-ari ng Philippine Coast Guard, madalas na may tensiyonadong kumprontasyon sa Chinese counterpart nito.

“The Philippines is at the sharp end of this, facing frequent challenges to freedom of navigation and international law,” ang sinabi ni Lammy.

“Growth in the UK and around the world depends on these trade routes being safe and secure,” ang winika pa rin ni Lammy sa video na ibinahagi nito sa X.

Inangkin na kasi ng Tsina ang halos kabuuan ng South China Sea, sa kabila ng international ruling na nagsasabing ang pag-angkin ng Tsina ay walang legal na basehan.

Nag-deploy ang Beijing ng navy at coast guard vessels sa layuning harangan ang Maynila mula sa napakahalagang reefs at mga isla sa South China Sea, nauwi sa sunod-sunod na kumprontasyon sa mga nakalipas na buwan.

Sa isang pagpupulong, araw ng Sabado kasama ang kanyang Filipino counterpart na si Enrique Manalo, kapuwa nilagdaan ng UK at Pilipinas ang joint framework para palakasin ang ‘defense at maritime cooperation.’

“This joint framework will help us deliver more cooperation on defence, on regional security, on trade, on science, on tech, on climate and nature over this coming period,” ang sinabi ni Lammy.

Noong nakaraang linggo, sinundan naman ito ng kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Canada para palakasin ang kanilang security partnership, ito ang pinakabagong kasunduan na hangad ng Maynila sa harap madalas na girian sa Chinese coast guard.

Samantala, ang Pilipinas ay mayroong kahalintulad na kasunduan sa Estados Unidos, Australia at Japan.