MANILA, Philippines – Binalaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Martes ang publiko laban sa kumakalat na mga mapanlinlang na dokumento na sinasabing inilabas ng BSP o ng mga opisyal nito.
Sa isang advisory, sinabi ng BSP na ang mga mapanlinlang na dokumento ay maaaring magpakita ng logo ng BSP at naglalaman ng mga pekeng lagda, na nagtatangkang linlangin ang mga tatanggap nito.
“The BSP advises the public to remain vigilant and to verify the authenticity of any communication or document pertaining to financial transactions,” sabi ng BSP.
Upang mag-ulat ng mga kahina-hinalang aktibidad, maaaring tumawag ang publiko sa (+632) 8811-1277 o 8811-1BSP o magpadala ng email sa [email protected]. RNT/MND