Home ENTERTAINMENT Marc, tanggap na may bagong jowa si Kris!

Marc, tanggap na may bagong jowa si Kris!

Manila, Philippines – No hard feelings.

Ganito ang nararamdaman ngayon ni Batangas Vice Governor Marc Leviste makaraang sa bibig na rin mismo ni Kris Aquino nanggaling na meron na itong bagong kasintahan.

Sa panayam ni Ogie Diaz kay Kris sa tinitirhan nito sa Orange County, LA ay isang doktor na taga-Makati ang nobyo ni Kris.

Inamin ni Kris na November 2023 pa raw ay nagkakaproblema na sila ni Marc.

Pinilit daw nila itong ayusin pero nauwi rin sa hiwalayan.

Bago nagdiwang ng kanyang 53rd birthday si Kris ay wala na sila ni Marc officially.

Ayon mismo kay Marc, napanood daw niya ang nasabing interview ng tinawag pa nga niyang si “Sir Ogie.”

While watching, na-realize daw ni Marc ang ganda ni Kris.

Tungkol naman sa pagkakaroon nito ng bagong nobyo ay wala raw siyang sama ng loob o hinanakit.

Pero inamin ni Marc na ikinalungkot niya ‘yon.

Nonetheless, masaya na rin daw siya para kay Kris: “Whatever makes her happy makes me happy, too.

“I’ve always put Kris’ happiness first over my own.”

Sa kabila ng kanilang breakup, masaya na rin daw si Marc dahil hindi naputol ang kanilang friendship.

Tiniyak din daw ni Marc sa pamilya ni Kris dito sa bansa na anytime daw na kailanganin siya sa Amerika’y nakahanda siyang lumipad para sa anumang maitutulong niya kay Kris.

Wala namang komento si Marc tungkol sa binanggit ni Kris na hindi sila gaanong magkasundo ni Bimby.

Si Kris na rin kasi ang may sabi that her sons Joshua’s and Bimby’s opinions matter pagdating sa kanyang personal na buhay. Ronnie Carrasco III