Home NATIONWIDE PH-UK ties target palakasin ni Marcos sa ilalim ng bagong PM

PH-UK ties target palakasin ni Marcos sa ilalim ng bagong PM

MANILA, Philippines- “Looking forward” si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makatrabaho ang bagong British Prime Minister na si Keir Starmer at palakasin ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at United Kingdom.

Ipinahayag ito ng Pangulo matapos na mahalal ang Labour leader bilang bagong prime minister ng UK noong Hulyo 5, pinalitan si Conservative Rishi Sunak.

Sa isang X post, ipinarating ni Pangulong Marcos ang kanyang pagbati o well-wishes sa bagong British leader kasabay ng paghahayag ng kanyang hangarin na makatrabaho ang gobyerno nito.

“On behalf of the Philippines, I extend my warmest congratulations to the Labour Party and Keir Starmer,” ang sinabi nito.

“We wish the new government success and look forward to further strengthening our deep and longstanding ties,” dagdag na wika ng Pangulo.

Ang eleksyon ni Prime Minister Starmer ay matapos na magbitiw sa kanyang tungkulin si Sunak kay King Charles III makaraang ang kanyang 14-year rule na partido ay inilampaso nang landslide ni Labour na para kay Sunak ay “sobering verdict.”

“This is a difficult day, but I leave this job honored to have been prime minister of the best country in the world,” ang pahayag pa ni Sunak sa kanyang farewell address.

Nakapulong ni Starmer si Charles sa Buckingham Palace kung saan hiniling sa kanya ng British Monarch na bumuo ng bagong administrasyon.

“The King received in Audience The Rt Hon Sir Keir Starmer MP today and requested him to form a new Administration,” saad sa X post ng Royal Family.

“Sir Keir accepted His Majesty’s offer and was appointed Prime Minister and First Lord of the Treasury,” dagdag pa nito.

Sa iba pang X post, nangako naman si Starmer na pagsisilbihan ang British people.

“My government will serve you. Politics can be a force for good. The work of change begins today,” aniya.

Sinabi sa opisyal na X account ng UK Prime Minister na nagsalita si Prime Minister Starmer sa international allies at partners sa unang ilang oras sa kanyang tanggapan.

“The UK stands ready to continue to work with them to deliver security and growth at home and abroad,” anito pa. Kris Jose