Home ENTERTAINMENT Marc, tinanong sa kalagayan ni Kris, umiwas!

Marc, tinanong sa kalagayan ni Kris, umiwas!

Manila, Philippines – Obyus na evasive o umiiwas si Batangas Vice Governor sa sensitive topic na may kinalaman sa kalagayan ng kanyang nobyang si Kris Aquino.

But in fairness though, hindi naman totally ay nagkait ng impormasyon ang pulitiko.

Ani Marc, ilang sandali lang daw ang nakakaraan ay ka-text niya si Kris.

Pero that precise moment daw ay natutulog na ito.

Aniya, Kris underwent vaccination.

But Marc would rather not divulge what that vaccination was for.

Sanay na sanay na kasi ang mga netizens kay Kris who uses her social media account as her sounding board para ipaalam ang latest updates regarding her health condition.

Kumbaga, in lieu of Kris, Marc is the next best person na maaaring magbahagi ng kalagayan ng kanyang nobya.

Pero nag-beg off si Marc: “Sorry but I’m not at liberty to share anything.”

All that Marc knows ay alam naman daw ng lahat kung bakit kinakailangang magpahinga si Kris after every medical procedure.

Pero kung ano’t anuman ang latest medical bulletin ni Kris, marami ang nananalanging maayos ito.

As of her latest post, ayon kay Kris ay umepekto raw ang mga medications niya, dahilan why she had a sound sleep.

Kunsabagay, hate ni Kris na pinangungunahan siya lalo pa’t isa ngang maselang paksa ang kinakaharap niya ngayon. Ronnie Carrasco III