Home NATIONWIDE ‘Marce’ bagyo na; Signal No. 1 itinaas sa 12 lugar

‘Marce’ bagyo na; Signal No. 1 itinaas sa 12 lugar

MANILA, Philippines- Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa 12 lugar sa Luzon sa paglakas ni Marce bilang bagyo nitong Martes ng umaga, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Sa 11 a.m. bulletin, inilahad ng PAGASA na nasa ilalim ng TCWS No.1 ang sumusunod na mga lugar:

  • Batanes

  • Cagayan including Babuyan Islands

  • Isabela

  • Ilocos Norte

  • Apayao

  • Abra

  • Kalinga

  • Mountain Province

  • Ifugao

  • The northern portion of Nueva Vizcaya (Diadi, Bagabag, Ambaguio, Villaverde, Bayombong, Solano, Quezon, Kasibu)

  • The northern portion of Quirino (Diffun, Saguday, Cabarroguis, Aglipay, Maddela) 

  • The northern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan) 

Huling namataan si Marce 590 kilometro sa silangan ng Baler, Aurora patungo sa direksyong west northwestward sa bilis na 30 kilometers per hour (kph), ayon sa PAGASA.

Mayroon itong maximum sustained winds na “120 kph near the center and gustiness of up to 150 kph,” dagdag nito.

Ayon sa PAGASA, posibleng mag-landfall si Marce sa Babuyan Islands o sa northern portion ng mainland Cagayan sa Huwebes ng gabi o Biyernes ng umaga.

“MARCE is expected to continue intensifying and may reach its peak intensity prior to possible landfall over Babuyan Islands or Cagayan,” anang PAGASA.

Posibleng lumabas ang bagyo ng Philippine area of responsibility sa Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga, base sa PAGASA. RNT/SA