Home ENTERTAINMENT Marco, papasukin ang pulitika, goodbye showbiz na?

Marco, papasukin ang pulitika, goodbye showbiz na?

Mamila, Philippines- Dating Congressman sa ikatlong distrito ng Quezon City si Dennis Roldan.

Nanilbihan siya mula 1992-1995 o katumbas ng isang termino.

Ang landas na tinahak noon ni Dennis ang kumpirmado nang balitang gusto ring tahakin ng anak nitong si Marco Gumabao.

Pero hindi sa QC kundi sa ikaapat na distrito ng Camarines Sur.

Ito ang mainit-init pang ibinalita ni Ogie Diaz sa kanilang Showbiz Update online show.

Kaya raw pala napapadalas ang pagpunta-punta ng aktor sa CamSur at pakikisalamuha sa mga mata roon.

Sa pagkakaalam ni Ogie, may sampung bayan ang sakop ng naturang distrito.

And take note, hindi maaaring sabihin ng mga pitical rivals ni Marco na hindi siya tagaroon.

Ang mga pamilyang pinagmulan ng nobyo ni Cristine Reyes na Imperial at Gumabao trace their roots to CamSur.

At huwag isnabin, matatas magsalita ng Bicolano si Marco.

This early, tinitiyak na ni Ogie that Marco has a good fighting chance.

Bilang aktor ay malinis ang imahe ni Marco, na siyempre’y “pre-sold” nang masasabi if only for his drop-dead looks.

Makatulong kaya nang malaki si Cristine pag kinaray siya ni Marco during the campaign season?

Kung matatandaan, doon din sa CamSur tumakbo si Aga Muhlach many years ago but did not make it.

Doon din dapat tatakbo si Anjo Yllana who was forced to chicken out of the race dahil “naloko” sa ipinangakong campaign funds sa kanya.

To Marco, good luck…paano na ang showbiz career mo if ever pinalad ka? Ronnie Carrasco III