Home NATIONWIDE Marcoleta bumwelta kay Magalong sa sinabing may pork barrel pa rin mga...

Marcoleta bumwelta kay Magalong sa sinabing may pork barrel pa rin mga kongresista

MANILA, Philippines – “Do not point the accusing finger to the legislature”

Ito ang bwelta ni Sagip Partylist Rep Rodante Marcoleta kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong matapos nitong batikusin ang mga mambabatas na mayroon pa rin pork barrel funds subalit ayaw lamang aminin.

Ang pagbatikos ay ginawa ni Magalong sa naganap na flag raising ceremony sa Camp Crame noong July 3 kung saan pinuna nito ang plano ng Kamara na pagbayarin ng kontribusyon ang mga military at uniformed personnel para sa kanilang pension at hindi na kunin ang malaking pondo sa kaban ng bayan.

Giit ni Magalong umabot na sa P14.10 Trillion ang utang ng Pilipinas at sa harap nito ay ayaw pa rin bitiwan ng mga mambabatas ang kanilang pork barrel funds.

Hamon ni Marcoleta sa alkalde na kung nagmamagaling ito ay mainam na mauna syang i-give up ang kanyang natatanggap na pension gayundin ang P2 million na confidential fund na nakukuha nito.

“It is as if the good mayor of Baguio wants to proclaim himself as the night and shining armor, armed with a silver bullet, to address corruption in this country,” pahayag ni Marcoleta.

Aniya, sa oras na ipaubaya ni Magalong ang kanyang natatanggap ay tatapatan ito ng Kamara ng 5 beses.

“Whatever amount you can produce I will ask the leadership of Congress to match that, maybe five times the amount that will be able to produce, so that we can address the problem of our national budget. Do not point the accusing finger to the legislature,” Marcoleta continued. “The legislature is much more greater than the sum total of its parts. Do not generalize.” pahayag ni Marcoleta.

Wala pa naman pahayag ang kampo ni Magalong sa naging pahayag ng mambabatas.

Ang pension ng military and uniformed personnel ay isa sa malaking isyu ngayon, ilan sa panukala para matustusan ang pension ay ang kunan ng buwanang kontribusyon ang mga military and uniformed personnel gaya ng sistema sa GSIS at SSS subalit tutol dito ang karamihan kasama na si Magalong sa katwirang hindi ito ang syang itinatakda ng batas.

Sa panig ng Kamara, una nang tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na hahanapan ng pondo ang pension ng mga retired military and uniformed personnel. Gail Mendoza