Home HOME BANNER STORY Walang online class ‘pag suspendido ang klase sa kalamidad – DepEd

Walang online class ‘pag suspendido ang klase sa kalamidad – DepEd

MANILA, Philippines – HINDI kailangang dumalo ng mga estudyante sa kanilang online classes kung sinuspinde ng kanilang eskuwelahan ang in-person classes dahil sa masamang panahon.

Sinabi ito ni Department of Education (DepEd) spokesperson Undersecretary Michael Poa matapos na tawagin ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na “unjust”, “inhumane” at “insensitive” sa situwasyon ng mga mag-aaral at kani-kanilang pamilya ang sinasabing di umano’y desisyon ng DepEd na magdaos ng online classes sa panahon ng kalamidad.

Ang paliwanag ni Poa, sa oras na suspendihin ang on-site classes, suspended na rin aniya ang online classes.

“So wala po tayong pinapa-online classes during typhoons o ano mang calamities. Part po iyan ng Deped Order 37 na ang suspension ay both in-person and online classes,” ayon kay Poa.

“Iyong sinasabi po nating no online disruption, is we switch our learners doon sa tinatawag nating alternative delivery modes,” dagdag na pahayag nito sabay sabing “Alternative delivery modes include answering modules.”

Subalit magkagayon man, hindi naman pipilitin ang mga estudyante na tapusin ng mga ito ang pagsagot sa modules lalo na kung ang kanilang kondisyon ay “will not permit them to do so.”

“Iyong alternative delivery modes ay siyempre nirerequire lang po natin hanggang kaya nila kapag sila nababaha na sa bahay, o sila ay nabibiktima na ng bagyo siyempre po we are not requiring them to really complete their alternative delivery modes or modules kasi po ang priority natin ay kapakanan at kaligtasan ng ating mga learners at ating mga teachers,” dagdag na paliwanag ni Poa.

Samantala, pinaalalahanan naman ng DepEd ang mga public schools na mayroon silang kapangyarihan na “switch” learning modes mula sa on-site classes at gawing alternative learning methods, depende sa assessment ng kanilang situwasyon.

MALAKI ang posibilidad na sa huling linggo na Agosto magbubukas ang klase o ang school year 2023-2024.

Sa ngayon kasi ay isinasapinal pa ang actual date ng pagbubukas ng klase.

BIlang tugon sa rekumendasyon ng iba’t ibang sektor at mga mambabatas, nagpatulong na ang DepEd sa isang third party para i-assess kung tama ba na bumalik sa old school calendar.

Gayunman, hindi naman aniya posible na kaagad itong ipatupad ngayong darating na school year.

“I am really expecting it, probably in the next 2-3 weeks makuha natin iyong resulta ng study para makapagdecide na tayo. But as we said, it will entail a transition period hindi siya abruptly. It will have to take a few years bago maibalik natin,” ani Poa.

“Kung ibabalik natin we have to reduce slowly iyong days sa school calendar to accommodate iyong shift natin,”dagdag na wika nito.

Ang panawagan na ibalik sa school calendar ay matapos na maranasan ng mga mag-aaral at guro ang matinding init noong dry season

HINGGIL naman sa National Learning Camps (NLC), sinabi ng DepEd na tanging 27% ng Grades 7 at 8 students ang nakapagrehistro sa programa.

“Iyong datos sa ngayon is not as actual as want it to be kasi nagkaroon tayo ng mga bagyo, so may mga hindi na nakapasok sa linggo na ito,” ayon kay Poa.

“Pwede hindi tumuloy iyong mga nagregister o pwede hindi nagregister pero nag-attend ng learning camp kasi ongoing pa rin iyan kasi tinatanggap pa rin natin sila. So antabayan na lang po natin by Friday, we plan to give an updated data kung ano ang turnout natin,” aniya pa rin.

Ang NLC ay programa ng DepEd sa panahon ng “school break” o mula July 24 hanggang August 25 para tugunan ang “learning losses and gaps due to the 2-year pandemic period where blended learning and other forms of alternative learning methods were employed in schools.”

Sinimulan ito sa Grades 7 at 8, nakatuon sa English, Matematika at Agham.

Previous articleGalido bagong Army chief
Next articleMarcoleta bumwelta kay Magalong sa sinabing may pork barrel pa rin mga kongresista