MANILA, Philippines — Iniutos ng Sandiganbayan Third Division nitong Miyerkules ang paglilipat kay Sen. Rodante Marcoleta sa Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas matapos sabihin ng mga doktor na wala siyang kondisyong medikal na nangangailangan ng patuloy na pagkakaospital.
Ipinaalam ni Philippine General Hospital director Dr. Gerardo sa anti-graft court na hindi na kailangang manatiling naka-confine si Marcoleta. Nauna siyang isinugod sa ospital dahil sa hypertension at mild pneumonia ngunit kalaunan ay idineklarang fit to stand trial.
Itinakda ng korte sa Agosto 10 ang pretrial ng plunder case laban kay Marcoleta. Sinabi ng prosecution na maghahain ito ng 11 hanggang 13 testigo.
Inaresto si Marcoleta kaugnay ng non-bailable plunder case dahil sa umano’y hindi pagdedeklara ng P75 milyong campaign donations. Santi Celario