Home NATIONWIDE Marcoleta: ‘Katahimikan’ ng INC, paggalang sa due process

Marcoleta: ‘Katahimikan’ ng INC, paggalang sa due process

1
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni detained Sen. Rodante Marcoleta na hindi dapat ituring na pag-abandona sa kanya ang umano’y “katahimikan” ng Iglesia Ni Cristo (INC) kaugnay ng kanyang pagkakakulong, kundi paggalang sa umiiral na judicial process.

Sa Facebook post nitong Martes, Setyembre 22, sinabi ni Marcoleta, isang miyembro ng INC, na walang obligasyon ang simbahan na maglabas ng pampublikong pahayag habang dinidinig ng korte ang kanyang kaso.

“The INC’s ‘silence’ on my jailing should never be misconstrued as indifference, weakness, or diminished resolve,” ani Marcoleta.

Ayon sa senador, nakikita rin niya ang kanyang kasalukuyang sitwasyon bilang pagsubok sa pananampalataya, batay sa mga paniniwalang itinuturo umano sa kanilang simbahan.

Kasalukuyang nakakulong si Marcoleta sa New Quezon City Jail habang nahaharap sa plunder case kaugnay ng P75 milyong campaign contributions na natanggap niya noong 2025 at hindi umano naideklara sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures.

Isinampa ng Office of the Ombudsman ang kaso sa Sandiganbayan noong Hulyo laban kay Marcoleta at tatlo pang co-accused. Nanatiling nakabinbin sa korte ang kaso at hindi pa ito nangangahulugan ng pagkakasala ng senador. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here