MANILA, Philippines – Pinayagan ng Sandiganbayan Third Division nitong Huwebes si Sen. Rodante Marcoleta na sumailalim sa isang araw na medical check-up.
Ayon sa kanyang kampo, may stage two hypertension at prostate enlargement si Marcoleta kaya naghain sila ng mosyon para sa medical furlough.
“The court will grant the request,” ani Associate Justice Karl Miranda, chairperson ng Third Division.
Nahaharap si Marcoleta sa kasong plunder kasama ang kanyang mga donor na sina dating Rep. Mike Defensor at mga negosyanteng sina Joseph Espiritu at Aristotle Viray.
Kaugnay ito ng P75 milyong campaign donation na natanggap ni Marcoleta habang siya ay nakaupong party-list lawmaker. Ayon sa mga prosecutor, hindi ito idineklara sa kanyang financial at campaign disclosures.
Lahat ng akusado ay nag-plead ng not guilty sa kasong plunder sa kanilang arraignment. Ernie Reyes